Ang Tunay na ChickBoy

CHICK: Anim na taon at limang buwang nagmahal, naglunoy sa masasayang araw na magkasama, tawanan, iyakan, suyuan, lambingan at mahalan. Sinubukang bumuo ng pamilya na walang pag aalinlangan, pero isang “anghel” ng sinayang dahil sa kapabayaan at maling pamamaraan. Sinubukang buoin muli subalit sadyang tadhana at nararamdaman na ang pumigil upang ang ibinuhos na panahon ay mawalang saysay. Mahabang panahon ang nawala at hinilom ang sakit na dulot ng kawalan ng pag-asa. Naging maramot sa muling pag-tibok at pag-aaruga. Hanggang di na muling tumibok ang nawasak na puso sa pagdurusa.

BOY:  Isang nilalang na sa pagkakataoy nagbigay ng panahon. Nag-ukol ng atensyon, pag-aalaga at pagmamahal. Sa sakit na nararamdaman, tila ísang pag-asang kaligayahan ang dapat buksan. Hanggang sumubok mag-experimento sa di nakasanayan. Naging bulag sa posibilidad na baka pwede naman kahit ang pagdududa ay hanggang doon na lang. Sino ba naman ang di tatanggi sa pagmamahal at atensyong di mo naman hinihingi at kusang binibigay na pinagkait sayo ng mahabang panahon? Sumubok! Hanggang isang araw, dumating ang panahong kelangan kang bitawan. Kelangan mo ring bumitaw para bigyang daan ang tunay na kahulugan. Muli isang sakit na muling hihilumin sa tamang panahon, panahon na di mo alam kung kelan.

CHICKBOY: Urong-Sulong sabi nga sa sayaw! Pero sinubukan mo mang humakbang pero walang tugtog na gustong bumagay. Umatras ka dahil bawal, sumulong ka upang subukan, pero di sapat upang indakan. Ngayong binubuksan mo na sa posibilidad baka sakaling may tugtog na babagay upang sayawan sa saliw ng pusong nangungulila. Ito ang LITERAL na CHICKBOY! Pwede sa Chicks! Pwede sa Boy!
Pwede kitang mahalin ayon sa gusto natin. Pwede tayong bumuo ng isang “anghel” ayon sa sayaw na ating iibigin.
Pwede mo akong mahalin batay sa galing ng iyong lambing. Subalit  wag abusuhin baka iwan ka rin.

Sa mundo ng tunay na mundo, ikaw ang magsasabi kung ano ang totoo.
Ako ay ako!
#Lovewins
#YdwardosExpressions
#Proud

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s