Dear Inay (Mother’s Day Special)

Dear Inay, 
Napakaganda mo pa rin hanggang ngayon! Ikaw ang pinakamagandang nanay sa buong mundo para sa akin at walang papalit doon kahit kailan. Kaya nga dapat lang talaga na binigay ko sa iyo ito dahil deserved mo naman talaga.Walang pag-sidlan nang tuwa ang iyong mukha nang matanggap mo ang pangarap mong bag. Sabi mo kasi dati gustong-gusto mo iyon kaya pinag-ipunan ko talaga. Halos maluha ka, at sobrang higpit nang yakap mo sa akin halos nga hindi ako makahinga. Tapos, mas kinagulat mo pa nang pagbukas mo nang bag mo, ay may nakita kang bungkos nang pera. “Oh my God!, ang dami nito anak??” opo bonus ko yan para talaga sa iyo yan Inay. Alam ko na hirap ka kaka-budget sa pambili nang mga lulutuin mong ulam na paborito ko. Ang saya saya mo nang araw na iyon. Wala tayong ginawa kundi mag-kwentuhan nood nang TV at kung ano ano pa. nilinisan pa nga kita nang kuko. Nagpa-punta pa ako nang isang masahista para mas marelax ka sa masarap na whole body massage. Tuwang-tuwa ka kasi sabi mo ngayon ka lang nakaranas nang ganun ka espesyal na araw. Pinag-ipunan ko talaga yan Inay kasi alam ko nga na wala ka pa talagang experience sa sosyal na masahe.Bandang gabi akala mo tapos na ang sorpresa, pero hindi pa, sobrang saya ko nang makita ka kung gaano ka kaligaya nang makita mo sina kuya at ate na nasa loob nang kusina at may pabulaklak sa iyo! Di mo kasi naisip na uuwi si ate mula sa abroad para lang sa simpleng araw na iyon na wala namang okasyon.

Pinaghahalikan mo pa nga sa pisngi sina kuya at ate. May pagsi-selfie ka pa noon sabi mo, “best day ever!!!” Wala talagang humpay ang yakap mo sa akin kasi ang saya saya mo. Di ko malilimutan nong nagkantahan tayo Inay! Ay grabe ang lupeeeeet nang mga kanta mo ang tataas. Ngayon ko natiyak na sa iyo talaga ako nagmana. Inarkila ko talaga yang videoke para sayo. At ito pa ang nadiskubre ko sa iyo Inay, ang tindi mo rin pala sumayaw! Dinaig mo ang Momoland sa lambot nang bewang eh. Pati nga ako napagiling nang kunti lang naman, di na ako nakipag-tagisan sayo at ikaw yan eh! Nanay kita eh. Dapat ikaw ang star at supporting lang kami.
Ang dami pang naganap, di ko malilimutan ay ang masayang kwentuhan natin nina ate at kuya. Wala tawanan lang tayo at mapibadahan lang. hanggang hatinggabi talaga eh, di nauubusan nang kwento.Pero ang malupit ay natulog tayo nang magkakatabi at kayakap ka buong magdamag sobrang baby ako sa inyo nong gabing iyon, bunsong bunso talaga ako at ramdam na ramdam ko  iyon.Kaya naman uulitin ko ulit itong pagsopresa ko sayo pag bonus ko ulit. Kaya ngayon pa lang pag iisipan ko na ulit kung paano ko mapapasaya ang PINAKAMAGANDANG NANAY KO SA BUONG MUNDO!
Sa matagal na panahon na wala ka sa buhay ko ay hindi ko maiwasang laging asamin at pangarapin na sana ay nandito ka kahit isang araw lang. Mula 3 years old di na kita nakita, di ko nga tanda ang mukha mo eh. Kaya madalas mag-imagine lang ako nang mga masasayang araw na sa totoo lang pwedeng pwede ko gawin sa iyo sa ngayon, pero di ko magawa kasi wala ka naman. Sana andito ka Inay para masaya at may binabati ako nang Happy Mothers Day sa mga ganitong okasyon. Kung nasaan ka man mahal na mahal po kita.

Ang Iyong bunsong anak,

YdwardosExpressions

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s