Isa ka rin ba sa na-iirita sa sobrang init na nararanasan? Isa ka rin ba sa gustong mag-babad na lang sa banyo, palanggana o maging sa portable swimming pool? o isa ka rin sa gustong-gusto nang lumabas at mag-swimming pero bawal dahil kasalukuyan pang Enhance Community Quarantine (ECQ)?


Hindi ka nag-iisa sa pakiramdam na yan. Hindi ka nag-iisa na nakakaramdam ng sobrang pagpapawis, sobrang init at dis-comfort sa katawan. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) mas titindi pa ang init na nararanasan natin ngayong buwan ng Mayo.

Isa sa mga naitalang temperatura ay 36.5 degree celsius at 33 degree celsius sa Quezon City at Tuguegarao nong May 8, 2020, ilan sa mga lugar na pinakamainit ang nararanasan. (PAG-ASA Weather Report)

Subalit kung ito ang temperatura na nararanasan, ang pakiramdam ng tao ay may karagdagang tatlong sentigrado (3 degree celsius) sa katawan, dahilan upang maging mas mainit pa ang pakiramdam.
Dahil sa Enhance Community Quarantine (ECQ) mas nabawasan ang polusyon na sa hangin, dahilan na naging malinis ito maging ang himpapawid ayon sa isang article ng Business Mirror mula sa data ng http://www.airtoday.ph

Maaring ito rin ang dahilan ng sobrang init ng panahon sa dahilang walang masyadong kaulapan ang himpapawid dahilan upang walang mabuong ulan or maging sanhi man lamang ng bahagyang paglamig sa kalupaan.
Ang sobrang init ng panahon ay maaring mag-dulot ng pagka-pulikat at pagkahapo kung patuloy na makakaramdam ng init na maaaring magdulot ng stroke o atake serebral sa isang taong nakararanas nito.

Upang maiwasan ang pagka-stroke at mabawasan ang nararanasang init, narito ang mga tips at ilang maaring pwedeng gawin upang maging maayos ang pakiramdam.
- Manatili lamang sa loob ng bahay hangga’t maaari, kung hindi gumagamit ng air conditioning, manatili sa pinakamababang sahig ng tahanan na di nasisikatan ng araw.
- Magsuot ng mga light color na damit, ang light color na damit ay nakasisira ng enerhiya ng araw.
- Palagiang umiinom ng maraming tubig, ang tubig sa katawan ay magpapanatili upang guminhawa ang pakiramdam.
- Ang tubig ang pinaka-ligtas na inumin sa panahon ng heat emergencies, kaya iwasan ang pag-inom ng alak sa kadahilanang ito ay nag-aalis ng tubig sa ating katawan.
- Kumain lang ng kaunti, pero maaring maya’t maya. Iwasan ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa Protina na magiging sanhi ng pagtaas ng iyong metabolic heat.
Karagdagan:
Maaari kang uminom ng kape.
It’s True: On a Hot Day, A Hot Drink Can Cool You Down. On a scorching summer day, you’re probably more likely to grab an iced coffee than a steaming cup of Joe. But a study has shown that drinking a hot beverage on a hot day actually can cool you down.
- YdwardosExpressions
YdwardosExpressions is site where his views and opinions express in his blog is just purely his way of expressions.
Nice one๐๐๐
LikeLike
thanks!
LikeLike