sampung ninais

Sampung Ninais
-YdwardosExpressions

Isa! Isang beses lang mata ko ay sumilay sa’yong kagandahan
Isang kagandahang bumihag sa puso’t isapan
Di matatat’wa di maikakaila
Itong iyong lingkod sa’yo ay humanga
Paghangang tila ba sa puso tumama

Dalawa! Dalawang kalabog nitong aking puso
Ang biglang dagundong, ang biglang pagtibok
Wari’y nag-uutos, wari’y nag-uudyok
Muli kang magmahal, muli kang umirog
Pag irog na sadyang kay tagal natulog

Tatlo! Tatlong salita lang ang nais sambitin
Tatlong katagang I LOVE YOU ay dinggin
Ngunit bakit ganun, nang aking pilitin na ito ay wikain
Boses, ni hininga kagyat mang pilitin
Sadyang lunok na lang at dathanan tikhim

Apat! Apat na oras nang panay sulyap-titig
Titig na sinamantala sa matang pang-gilid
Na kahit leeg na ay may tinding sakit na iniinda lang makita kang pilit
At mamasdan lamang ang gandang kay rikit

Lima! Limang araw kitang laging nakikita
At nakasama pa sa araw na pang lima
Limang mga oras at humigit pa, humigit ang oras na nakasama ka, nakasamang doon ay nakilala ka na sadyang loob ko mukhang nahulog na, nahulog sa lambing na ‘yong pinakita.

Anim! Anim na oras sa buong pagbiyahe
Anim na lungkot ang nilimi-limi
Bakit sadyang saglit, bakit ba kay dali
Kay daling panahon sa aking katabi na sa aking puso ikaw ay lumimpi, lumimpi nang saglit
Saglit na kay sakit, kay sakit na lisanin pero di nasambit

Pito! Pitong letra lamang na iyong pabaon
“Ingat ka”, sa text mong sa phone ko ay iyong hinayon
Tanging pagbasa kong may tuwa pa noon, tuwa galak, lukso pagkat umaayon, umaayon itong planong ‘di mapuputol ang pagitan natin sa komunikasyon
Hanggang nagpalitan “ingat ka rin po don”
Sabay nang emoji kindat, ngiti’t puso ang sadyang nilayon

Walo! Walong mga araw, trabaho’y hinarap
mga gawain, tinapos na kagyat, Kagyat nakalimot, katawa’y binanat hanggang namalayang puso’y hinahanap, hinahanap ang desisyong ihinto na ang balak.

Siyam! Siyam na taon na, nang minsang nasaktan
Ngayong nag iisip, muling sasaktan ba itong aking pusong takot nang magmahal na baka kapalit na muli ay iwan at ipagpalit lang
Kaya nga ang balak ang ihinto na lamang kahit itong puso ay nagsusumigaw na ikaw na yata ang papawing tunay sa pilat na minsan ay naging sugatan.

Sampu! Sampung ulit inisip kung tama bang gawin?
Ang pusoy ihimlay sa pait nang lilim
Sampung ninais kong ikaw ay mahalin, mahalin nang lubos sa bisig yakapin, sa pusoy ikulong, pamilya’y buuin
Subalit sampung nais, sampung milyang agwat natin, agwat na di pwede nating pagsamahin
Kaya’t itong nais, nais kang ibigin
Minsang pumasok ka sa pusong inilihim
Mahahantong lamang sa pagkagupiling.

-YdwardosExpressions

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s