INFANTA QUEZON AT ANG MAHIWAGANG PLANGGANA

#LabasiAngPlanggana yan ang sikat na hashtag sa muling pag-arangkada ng ayuda sa bayan ng Infanta Quezon.

Matatandaan na noong nakaraang Abril ay binatikos ang punong bayan ng Infanta na si Mayora Filipina Grace America dahil sa isyu nang pamimigay ng planggana sa kasagsagan ng pandemic na COVID-19 sa barangay ng Dinahican ng nasabing bayan.

Kahit na may purpose ang pamimigay nito para sa panghanap-buhay ng Samahan ng Magbabangus sa Purok Puruhan ng nasabing barangay ay binatikos pa rin ito at ikinumpara sa kasabay na pamimigay ng sako sakong bigas ng karatig bayan, ang bayan ng Real, Quezon

Subalit sa kabila ng pambabatikos ay patuloy na naglingkod ang Punong Bayan at ang sanggunian para sa kanilang nasasakupan.

Sa bawat pambabatikos at pagpuna, tanging mabuting gawa ang sinukli at maayos na serbisyo.

Huli man daw at magaling ay maiihabol rin! dahil hindi pa huli ang lahat upang magpahabol ng karagdagang ayuda para sa mamamayan ng Infanta!

#LabasiAngPlanggana kunin ang Kapartida!

Mula sa 1-buwan karagdagang IRA ng LGU – Infanta, ay namahagi sila ng relief packs na naglalaman ng mga sumusunod:

10kls Rice (mula sa bigas ng mga magsasaka ng Infanta), 1 kilo washed sugar, 1/2 kilo ng Monggo beans, 1 pack Fortified milk (320g), 1 box bath soap (130g), 1 bar detergent soap (380g)

Bagaman at planggana ang tumatak ay hindi kasama sa ipamimigay ang planggana. Ganun pa man para makatanggap ay kailangang nakalabas ang planggana sa tabing kalsada upang malagyan ng nasabing ayuda.

Naghilira ang mga planggana sa bawat barangay.

Kuha sa Barangay Poblacion 38. Credit to Infanta Quezon page.

Nagmukhang parada ng Planggana

May mga gumawa pa ng mga disensyo na animo ay may Planggana Festival. (Kuha ni Gejay Suaverdez Moret)

Sa ganitong pagkakataon tanging pasasalamat na lang ang tanging naihahatid ng mga mamamayan ng Infanta, bagaman at may nagsasabing wala pang isang libo (Php 1000.00) ang pinapamigay ay isang malaking kabawasan na rin sa gastusin at malaking tulong sa pang araw-araw na pagkain.

Kuha ni Maemae Topia

Sa gitna ng distribusyon ay tila pa-contest ng planggana na ikinatuwa ni Mayora kung kayat kahit siya mismo ay may personal na pinili sa mga kakaiba at natatanging planggana.

Muli sa bayan ng Infanta! Mabuhay kayo sa inyong pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Mabuhay ka Infanta! Mabuhay ka Mayora at sampu ng Sanggunian! Mabuhay ang Mahiwagang Planggana (Kuha ni Moi Travel)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s