KAPAG OPISYAL SORRY LANG TALAGA?

Social Distancing, mass gathering, liquor ban! ilan lang sa mga pinapatupad ngayon panahon ng Enhance Community Quarantine (ECQ). Pero bakit tila ba ang mga nangunguna pa ay ang mga opisyal na nagpapatupad nito.

Isa na dito ang ginanap na kaarawan ni Major General Debold Sinas na binabatikos dahil sa kawalan ng social distancing sa ipinagbabawal din at maituturing na mass gathering.

Mga larawan sa NCRPO page
Walang Social distancing

kita sa mga larawan ang pagkawala ng social distancing sa ginawang pagtitipon

kung susuriin, lumabag din sila sa liquor ban na mahigpit ding ipinagbabawal.

Pero nag-sorry naman na daw! kesyo di naman daw intensyon na di sumunod sa protocol.

Ano? pag opisyal ok na ang sorry? tanong lang naman kasi sa pagkaka-alam ko para sa lahat ang batas o ang DURA LEX SED LEX na pinagdidiinan ng karamihan. o baka naman may pinipili lang?

kagaya ni Pastor na lumabag, ayan hinuli! ay baka kaya hinuli kasi hindi opisyal.

Ah? baka kaya naman di hinuli kasi may nagtatanggol? sabagay sila na nga naman ang nanghuhuli kaya wala ng huhuli pa. Kung meron man, iimbestigahan muna at kung ano anong probe kuno!

Sabagay di na nakakataka, mass gathering nga ni Mocha deadma eh! baka may nagtanggol din kaya deadma na rin.

O baka naman ito talaga ang meaning ng “The Law is law” sa inyo?

Ang mabisang gawin na lang nating mga simpleng mamamayan sumunod na lang tayo, kasi kung sa di maiiwasang kadahilanan ay may nalabag tayo, panigurado kulong tayo at tiyak wala naman magtatanggol sa atin, lalong lalo di ka pwede basta mag-sorry di ka naman opisyal eh.

Mga Ka-Expressions ano masasabi nyo dito?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s