Kathryn Bernardo nag salita na!

“Maganda gabi po! Ah alam ko po marami sa inyong may alam na matagal ko pong piniling manahimik. Bakit? kasi, kagaya po ng iba sa inyo, natakot po ako. Kasi nong huling beses po na ginamit ko ‘yong , iyong flatform ko sa usaping politika, hindi naging maganda ‘yong nangyari, naging dramatic po ‘yong experience ko non kagaya po nang nararanasan ng ibang mga artista na nagsalita. Ang dami pong pag-atake, ang daming, ang daming sinabi hindi lang sakin pero pati pamilya ko. Kaya sinabi ko po non sa sarili ko na, ‘yon na yong beses na magsasalita ako sa ganung usapin kasi ayaw ko nang maulit yon. Pero ngayon andito po ako, kasi… kasi pakiramdam ko kailangan? Pakiramdam ko kahit wala man kasiguraduhan na maririnig to at least may ginawa ako. Pakiramdam ko kailangan ko maging boses sa iba. Kaya andito po ako. Pinipili kong magsalita kasi nagpatong patong na ‘yong mga dahilan. Ahmm..maaring marami sa inyo iniisip po na maginhawa yong buhay namin kumpara sa iba. Opo ahmm..pero hindi po, hindi po don nagtatapos yon eh. Mas may responsibilidad po kami na tumulong sa iba. Hindi po ibig sabihin non hindi kami apektado sa nangyayari kasi hindi namin kayang makita yong mga tao na nahihirapan, na umiiyak, na hindi alam kong ano na mangyayari sa kanila, kaya nandito po kami kasi, responsibilidad namin makaramdam para maging boses ng mga taong hindi mapakinggan kasi kung di kami magsalita? sinong magsasalita para sa kanila?

Ahmm…meron po akong isang linya don sa movie na nagawa ko nong huli. Ang sinabi don, ang “choice para lang sa may pera”. Ahh… nong isang buwan po akong namuhay kasama nong mga OFW sa Hongkong, don ko po napatunayan at don ko lalong ahm..nakita kung gaano kahirap ang buhay. Ahmm…kaya nakakalungkot man isipin, totoo yong sinabi nila eh na ang choice hindi para sa lahat, hindi lahat kasing swerte natin nakakalungkot yon. Tapos ngayon, yon pong pagkawala ng, pagka-shutdown ng ABS-CBN, sa ginawa nilang yon, mas binawasan pa natin yong pagpipilian ng mga kababayan natin. Alam po natin na marami sa lugar sa Pilipinas ang tanging channel na meron sila, nasasagap lang nila ay ang ABS-CBN. Sa Panahon po ngayon ng pandemiya na kailangan po natin ng impormasyon mayat-maya. Alam po natin kung gano ka-importante ang news, ang pagkukuhanan ng impormasyon. Pero ngayon nawala din po yon sa mga kababayan natin so pano po sila makakakuha ng updates sa nangyayari sa mundo, sa Pilipinas? Pangalawa sa hinaharap po natin ngayon, alam natin kung gano kahirap ang pinagdadaanan ng lahat, na ‘yong tanging nagpapasaya sa kanila o ‘yong isa sa mga bagay na nagpapasaya sa kanila, yong libangan nila sa panonood, pati po yon naalis sa kanila, yong makapanood lang sila ng kunting ganyan, mapanood nila yong paborito nilang teleserye makakalimutan nila kahit papano yong problema, yong libangan na yon, pati yon, ngayon napagkait na rin sa kanila sa impormasyon, libangan.

Ahmm… ito yong panahon po na dapat wala tayong mapag-iwanan na Pilipino. Ito yong panahon na dapat magtulong-tulong tayo, kaya nananawagan ako sa mga tao na may access sa impormasyon. Sana ahm…ahm…alamin natin kung ano yong nangyayari. Alamin natin kung bakit namin pinaglalaban to? kung bakit paulit-ulit naming sinasabi na walang nilabag na batas ang ABS. Tulungan nyo kami na, ahmm..ipa-intindi sa iba kung saan kami nang-gagaling? Sana matuto tayong ahmm..maka-ramdam, maka-ramdam para sa labing isang libong empleyado na nanganganib mawalan ng trabaho. Matuto tayong makaramdam sa, ilang milyong Pilipino na nawalan ng libreng access sa impormasyon at libangan. Wag na po nating palalain ang inequality. Ang choice hindi lang yan dapat sa may pera. Magtulungan tayo. Ngayon po, baka sinasabi nyo na, pinipili naming mag salita kasi pangalawang tahanan na namin yong apektado pero hindi lang po kasi yon ang issue.

Una issue din po ito ng, labor issue, kasi ilang libong empleyado yong nawalan ng trabaho kahit na wala naman silang nilabag na batas. Issue din po ito ng public health, kasi yong impormasyon na pinagkukunan nila para protektahan yong mga sarili nila, nawala. At lastly, issue din po ito ng press freedom, kasi nawalan sila ng paraan para magpahayag. Kaya nananawagan po ako sa mga kinauukulan na sana bigyan natin ng atensyon yong mas kailangan, yon pong mas makakabuti para sa nakakarami. Tayong mga pilipino sana matuto tayong manindigan sa kung ano ang tama. Sana magamit natin yong boses natin para magpahayag ng responsable kung ano yong mga saloobin natin. At sa mga kabataan, sana, wag kayong matakot, kasi kagaya nyo din ako, natakot ako. Pero, kung hindi kasi tayo magsasalita ngayon, sino? Tayo yong magmamana ng Pilipinas kaya may karapatan tayo. Ahm..samahan nyo po kaming magdasal na sana maging ok na lahat. Sana matapos na lahat to, sana maayos lahat sa ahmm…tamang proseso at mapag-usapan ng maayos. Ah yon lang po, salamat po sa pakikinig. Ako po si Kathryn Bernardo, isang artista, isang pilipino, wag po sana nating kalimutan kung anong tunay na kalaban, Laban Kapamilya!”

Panoorin ang buong pahayag ni Kathryn Bernardo sa link na ito mula sa kanyang Instagram account.

  • YdwardosExpressions

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s