ANG SIKAT SA LAW OF CLASSROOM, TUMUTULONG! KAYO BA?

Ang pagtulong nasa puso yan at hindi mapipigil ng negatibong pambabatikos ng kahit sino man. Ito ang pinatunayan ni Kim Chu sa kabila ng nararanasan pang ba-bash sa kanya ng netizens dahil sa kanyang viral statement patungkol sa batas na inihalintulad nya sa isang classroom.

Subalit hindi matitinag ang isang Kim Chu sa kanyang adhikaing makatulong sa paraang kaya nya ngayon panahon ng Pandemiya. Sa kanyang ika-30 kaarawan, mas pinili niyang mag relief operation sa siyam (9) na hospital at tatlong (3) barangay.

Kabilang sa mga hospital na nakatanggap ng tulong ni Kim Chu ay ang sumusunod; San Juan COVID Kalinga Center, Medical Center Ortigas, Quirino Memorial Medical Center, St. Luke’s Medical Center, Lung Center of the Philippines, East Avenue Medical Center, Philippine Children’s Medical Center, and Providence Hospital. kasama na dito ang tatlong barangay na di na pinanglanan.

Sa totoo lang kung susuriin ang kanyang pahayag, at pakakaunawain maganda naman at malalim ang pakahulugan.

“Sa classroom may batas, bawal lumabas, oh bawal lumabas. Pero ‘pag sinabi, ‘pag nag-comply ka na bawal na lumabas pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo ‘yong law ng classroom niyo at sinubmit mo ulit ay pwede na pala ikaw lumabas.”

Himayin natin.

“Sa classroom may batas.”

Ihinahalintulad niya ang bayan sa isang classroom na may mga alituntuning dapat sundin.

“bawal lumabas”

Ito ang halimbawa ng batas na kanyang ibinigay.

“Pero ‘pag sinabi, ‘pag nag-comply ka na bawal na lumabas”

Ito yong unang pre-condition: sumunod ka naman sa alituntunin o sa batas.

“pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila”

Ito yong pangalawang pre-condition na inilatag ni Kim. Meron kang ginawa sa ipinagbabawal nila. Doon sa alituntunin na hindi pwedeng lumabas, meron kang ginawa. Ano ang ginawa mo?

“inayos mo ‘yong law ng classroom niyo.”

Yan, inayos ang law ng classroom. Inamyenda. May nakitang hindi akma o hindi wasto sa sitwasyon ng mga mag-aaral kaya nagpanukala na baguhin ang alituntunin o batas.

“at sinubmit mo ulit”

So, hindi mo lang basta inayos, sinubmit mo pa. Kanino? Sa teacher na nagpapatupad ng batas o sa administrasyon ng paaralan na nagpalabas ng mga alituntunin. Hindi ikaw ang nagbago ng alituntunin kundi nagpanukala ka lang ng mga pagbabago.

“ay pwede na pala ikaw lumabas”

Ayan. Ibig sabihin sumang-ayon sa panukala mo ang namamahala ng eskwelahan kaya yong dating hindi pinapahintulutan ay pinapayagan na sa bagong alituntunin.

May sense pala ang sinabi ni Kim. Hindi niya lang nasabi nang mas malinaw, pero napakaganda pala ng ibig niyang ipakahulugan.

Dati isa lang ang dapat sundin: bawal lumabas sa klasrum. Absolute prohibition. Walang pwedeng lumabas kahit ano pa ang sitwasyon.

Pero may mga pagkakataong kailangang lumabas sa klasrum ang mga estudyante.

Anong halimbawa ang maaari nating ibigay?

Kailangang bumili ng pagkain sa canteen
Kailangang magpatingin sa clinic
Kailangan kausapin ang principal
Dumalaw ang magulang sa school
Kailangang magwewe
Kailangang umuwi dahil masama ang pakiramdaman

Maaaring maraming lumalabas sa klasrum kahit pa ipinag-uutos na bawal lumabas. Kaya maraming nagsusumbong sa teacher na may mga lumalabag sa batas. Pero noong pinag aralan ang alituntunin, yon palang mga lumabas ay may valid na dahilan kung bakit sila lumabas at hindi pala yon paglabag sa batas. Nang maayos na ang batas, naging mas malinaw sa lahat.

Ano ang koneksyon nito sa prangkesa ng ABS-CBN?

Marami ang nagsasabi na linabag daw ng ABS-CBN ang kanilang prangkesa. Bawal daw magbenta ng black box. Bawal daw maningil ng pay-per-view sa Kapamilya Box Office dahil free-to-air channel daw ito. At kung anu-ano pa.

Kung titingnan at susuriing mabuti ang prangkesa, wala namang sinasabing bawal ang black box.

Tungkol naman sa pay-per-view ng KBO, sinabi mismo ng Justice Secretary na saklaw ito ng mga katagang “for commercial purposes” sa prangkesa ng ABS-CBN ngunit kailangang alinsunod pa rin sa guidelines ng NTC. Pero dahil wala pa naman palang guidelines na naipapalabas ang NTC tungkol sa pay-per-view kaya lumalabas na wala naman pala talagang nilalabag ang ABS-CBN.

Kapag inayos ito lahat sa application for renewal ng ABS-CBN, magiging malinaw para sa lahat ang batas. Ito na rin yong sinabi ni Kim na “inayos mo ‘yong law ng classroom niyo at sinubmit mo ulit ay pwede na pala ikaw lumabas.”

May sense pala lahat ng kanyang sinabi.

She talks a lot of sense.

Panoorin ang relief repacking ni Kim Chu sa kanyang Instagram post na @chinitaprincess.

Mabuhay ka Kim Chu! at ipagpatuloy mo ang ganda ng iyong puso at kalooban para mas marami ka pang matulungang nangangailangan.

– YdwardosExpressions

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s