VP LENI TULOY ANG SERBISYO! PATULOY NA PINAGTITIWALAAN!

Iba din talaga kapag ang layunin lang ay mag lingkod ng tapat at walang pag aalinlangan. Tanging serbisyo ang ibinabalik at ginagampanan. Marami pa rin ang tumutulong at nagtitiwala sa OVP para maging channel nang mga nais tumulong.

Ayun sa Bise Presidente Leni Robredo mula sa kanyang Facebook account, “Nakakataba ng puso ang patuloy na pagdating sa ating Tanggapan ng mga tulong para sa ating mga kababayan sa gitna ng COVID-19 crisis.”

“Kamakailan lang ay naghatid ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng higit 22,000 na 10-kilo packs ng bigas, na kabilang sa relief assistance na ibinabahagi natin sa mga komunidad na nangangailangan”.

“Ang Lucky Me, nagpaabot naman ng 180,000 packs ng instant noodles, na ipapaabot rin natin sa communities.”

“Naghatid rin ang Deep Dips by Chef Arnold Bernardo ng 1,182 jars ng mga gourmet items na kanilang gawa, gaya ng gourmet tuyo, spicy tinapa, bagoong, atbp.”

“May mga nagpaabot rin ng tulong na nakalaan para sa frontliners. Kabilang na riyan ang Unilever, na nagpadala ng 1,000 hygiene kits para sa kanila.”

“Inihatid naman sa ating Tanggapan kamakailan ng P2 Pamilyang Pinoy ang tulong nilang 400 gallons ng disinfectant.”

“Samantala, nagbigay ang Mondelez at Bayanihan Musikahan ng snack packs para sa ating volunteers, na naglalaman ng items gaya ng Oreo Collection cans at packets ng Tang juice drinks at Cheez Whiz.”

Sa kabila nito patuloy na nagpapasalamat ang Bise Presidente sa lahat ng tumutulong sa Office of the Vice President (OVP).

“Lubos po ang ating pasasalamat sa donors na bukas-palad na nakikiisa sa ating mga inisiyatibo sa panahong ito!”

Patuloy at tuloy tuloy pa rin ang paglilingkod kahit na marami ang pilit na bumabatikos sa kanya. Sa lahat ng ito, di napipikon ni nagiging balat sibuyas sa mga panglalait.

Sayo VP Leni mula sa sambayanang sumusuporta sa iyo, Mabuhay ka po Madam Lenie sampu ng mga tumutulong at nagtitiwala sa inyo at nagpapahatid ng tulong.

– YdwardosExpressions

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s