IMBENTO 101: LUTONG-BAHAY MECQ version (Kung ano lang ang meron sa kusina)

Sawa kana ba sa sardinas o de lata? Wala kna ba maiisip na lutuin dahil kulang ang mga sangkap o gamit na meron ka sa iyong tahanan? Bakit di mo subukang mag imbento?

Isa sa mga libangan ko sa ganitong panahon ay ang mag-imbento ng mga lutuin na ang mga sangkap ay maaaring nasa tahanan mo lang at pangkaraniwan na sa mga ganitong pagkakataon. Idagdag pa ang kahalagahan ng pagiging mura o affordable na kayang-kaya ng budget pero masustansiya.

Isa na dito ang aking imbento 101 na Spicy Instant Noodles na Tuna at Okra(Lady finger). Ito ang mga sangkap na maaaring nasa tahanan mo lang pero kelangan mo lutuin with twist para di naman magsawa ang iyong mga kasambahay.

Narito ang mga sangkap na dapat gamitin;

– 1 pack Spicy Instant Noodles (depende kung ano ang flavor na gusto mo.) – Php 10.00

– 95g Solo size Tuna in can (pili ka ng brand mo.) – Php 25.00

– Isang taling Okra – Php 10.00

– 3 pirasong kamatis – Php 6.00

– luya, bawang, at sibuyas Php 5.00

– Mga pampalasa (toyo, asin, paminta – mga iba pang pampalasa ayon sa iyong panlasa.)

Sa halagang humigit-kumulang na Php 56.00, maaari nang makakain ang tatlo hanggang apat na tao sa lutong ito. Mabibigyan nyo pa sila ng bagong panlasa mula sa nakasanayan.

Panoorin paara sa kabuuan ng paraan ng pagluluto.

Hindi matatawaran ang galing ng Pinoy sa pagluluto, pero mas gumagaling kapag nakakatuklas ng kakaibang pamamaraan.

Muli, YdwardosExpressions! Express your life! Express your emotion!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s