AI-AI DELAS ALAS ON THE KING Series: “…Sorry Hindi Kagandahan…”

Binabatikos ngayon ang Komedyanteng si Ms. Ai-ai Delas Alas dahil sa post nito sa kanyang Instagram account patungkol sa isang series sa Netflix, ang The King of Eternal Monarch.

Post ni Ms Ai-Ai sa kanyang Instagram account.

Ayon sa aktres, para sa kanya ay hindi kagandahan ang naturang palabas para sa kanyang panglasa. Bukod dito masyado raw siyang disappointed at di maintindihan ang flow ng novela.

Pinuna din ng aktress ang napakaraming intrusion sa series gaya ng fasfood chain, coffee, energy drink, lipstick at make-up. Hiniling din ng aktres na sana raw ay ay mas inisip ang ganda ng istorya bago ang kita. Idinetalye din ng aktres ang iba pang istorya o sinulat ng scriptwriter ng nasabing palabas na kung saan pinuri nya ito sa mga naunang istorya na sumikat at talagang hinangaan. Kabilang dito ang Guardian, (2018), Mr. Sunshine (2018), Descendant of the sun (2016), and The Heirs (2013).

Ikinumpara din ng aktres sa Itaewon Class ang nasabing palabas na kahit simple ay talagang aabangan. Ayon pa rin sa kanya limang (5) beses na nya diumano na binigyan ng chance ang panonood dito pero di pa rin siya makasunod sa istorya na pinagtaka nya kung bakit number 2 sa trending ang “The King.” Sa panghuli, bagaman at tinuturing niya na magaling ang aktor na si Lee Min-ho, ay “waley” raw sa kanya talaga ang istoryang ito.

Ikaw Ka-Expressions?

Ano masasabi mo? napanood mo na ba? nakakarelate ka ba sa istorya? o isa ka rin sa di makasunod sa Parallel world ni The King?

Comment mo na! at wag kalimutang maglike and share.

– YdwardosExpressions

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s