MARCOLETA SA ABS-CBN: PAULIT-ULIT? | HINDI UPDATED?

Sa pagsisimula ng pagdinig patungkol sa franchise ng ABS-CBN, isa sa mga tumatak o naging usap-usapan ay ang mga akusasyon diumano ni Sagip Representative Rodante Marcoleta, na kilala rin sa pagbibigay ng Php 1000 budget sa Human Right Commission.

Sa kanyang pagsisimula ay ginamit pa ang sikat na linyang Bawal lumabas ni Kim Chu

“Mr Speaker, my distinguished colleagues, hindi po nag-comply sa batas ang ABS-CBN kaya hindi po sila puwedeng lumabas at magpalabas” – Marcoleta

Ginamit din ni Marcoleta ang video ni Vice Ganda patungkol sa pagpapa-stop ni Quiboloy sa Ang Probinsiyano.

Ilan din sa mga akusasyon ay ang pagiging pro Grace Poe and Leni Robredo ng ABS-CBN sa mga nakaraang eleksyon.

Kabilang sa mga inilahad ni Marcoleta ay ang mga issue sa Philippine Depositary Receipts o PDRs, Kapamilya Box Office o KBO para sa Pay per view, ang di pagbabayad ng buwis, di patas na pag-cover sa nakaraang eleksyon at ang citizenship ni Mr. Gabby Lopez na nasagot ng lahat sa nakaraang senate hearing.

Ang ABS-CBN ay nanindigan na wala silang nilabag na batas sa kahit anong ahensya ng Pamahalaan.

Sinasabi po ng mga bumabatikos sa amin, the law is the law. We agree. The law is the law. And under the law, we are innocent unless proven guilty. Up to now, there is no court that has determined we have broken any laws,” pahayag ni ABS-CBN President/CEO Carlo Katigbak.

Isang Kapamilya naman ang nagpost ng lahat ng mga kasagutan sa mga akusasyon ni Marcoleta patungkol sa ABS-CBN.

Sa post ni Sherwin Buenvenida, “Sa mga bilib na bilib kay Marcoleta, sinagot na lahat yung tinatanong niya. Hindi lang siya updated. Pakibasa to dahil kung bilib kayo sa kanya, hindi rin kayo updated 😂”. Pahayag nito kasunod ng mga larawan ng mga pahayag patungkol sa mga issue na binabato sa ABS-CBN.

BIR PATUNGKOL SA PAGBABAYAD NG TAX.

PDRs NA APRUBADO NG SEC

KAPAMILYA BOX OFFICE o KBO

ABS-CBN CONVERGENCE

Sa lahat ng ito, patuloy at paulit-ulit pa ring binabatikos at pinatatagal ang pagbabalik ng ABS-CBN samantalang walang nilabag na kahit anong batas ang nasabing network.

Hindi kaya personal na galit ang dahilan? o may gustong suportahan sa naghahangad makuha ang frequency ng ABS-CBN?

Ikaw ka-Expressions? ano sa iyong palagay?

-YdwardosExpressions

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s