Isa na namang susubaybayang karakter sa social media! Dahil sa lockdown at sa panahon ng Community Quarantine marami ang naglabasang karakter na talaga namang kinagiliwan at kinagigiliwan pa rin hanggang ngayon! Ilan sa mga ito ay sina Ms. Everything, Aling Nena at si Meses na patok na patok ang mga paandar sa kanilang mga istorya sa social media. Sila ang mga inaabangan at nagbibigay kasiyahan sa panahong walang magawa or naka quarantine ang mga tao.
Ngayon na may panahon na ang mga tao sa mga gawain, Isa na namang karakter ang umuusbong sa social media upang magpasaya at magbigay ng kunting ligaya sa mga viewers.

Si Madji, ay isang karakter na pwedeng itukoy kahit kanino na babae na itinuturing na kaibigan, kumare, kapitbahay at kung ano-ano pang pwedeng maging kaugnayan. Sa mga lalaki naman ito ay tinatawag na Padji.
Ang kaibahan ni Madji ay ang paglalatag ng istorya mula sa tunay na buhay ng yumaong magulang upang muli ay buhayin ang mga tawa sa likod ng mga biro nito na sinasamahan ng mga kasalukuyan at napapanahong mga pangyayari.

SA Panatang Makabayan video ay pinakita ang pagka-Pilipino sa pamamagitan ng pang bigkas ng Panatang makabayan.

Isa din sa nakakatuwang ganap ni Madji ay kung papaanong senermunan ang asawa sa sobrang kalasingan nito subalit sa sobrang galit ay natatawa pa rin dahil sa kapilosopohan ng asawa.
Kaya kung di ka pa nakakapanood ng video ni Madji ay panoorin mo na at isubscribe ang channel nito na YdwardosExpressions https://m.youtube.com/c/YdwardosExpressions
Lets spread the laughter! Lets spread the good vibes.
-YdwardosExpressions – Express your life! Express Your Emotions!