“Through Night and Day” Nina Alessandra De Rossi at Paolo Contis, NAKAKA-BWISIT Panoorin!

Ang dami-dami kong nakikita sa SocMed na mga post about sa movie na “Through Night and Day” na pinagbibidahan nina Alessandra De Rossi at Paolo Contis, na base din sa credit ng movie ay sila rin and Executive Producer. Sa mga nabanggit sa mga post eh mukhang maganda ang mga sinasabi tungkol sa movie.

Paolo and Alessandra in Iceland

Eh siyempre nakigaya na rin ako! Eh di naman pala totoo na maganda itong movie na to!! as hindi! Bakit ko nasabi?? kasi para sa akin, hindi siya maganda, dahil ang totoo, at sa aking palagay NAPAKAGANDA NIYA! AS IN! Kung pinaluha ako sa Kita Kita nila ni Tonyo, dito sa kanila ni Ben, hagulgol! Ito ‘yong movie na di mo kelangang tumawa ng pilit kasi mapapatawa kana lang talaga bigla, at ito din ‘yong pelikula na di mo kailangang mag internalize para umiyak, kasi tutulo na lang bigla dahil sa simpleng eksena. Kaya para sa akin, kasama na ito sa babalik-balikan kong panoorin!

FRIENDSHIP

Ang pagmamahal kapag nagsimula sa pagkakaibigan, kahit ano pa talaga ang mangyari, darating sa punto na babalik at babalik ka sa kanya upang mahalin at pakamahalin habang buhay kahit ano at sino ka pa. Anumang galit, anumang sakit, kapag naalala mo ang lahat ng mahahalagang bagay na meron kayo, puso na ang magsasabi na patatawarin ka at mamahalin ka.

PAGLALAYAG

Ang isang tao sabi nila kapag nakasama mo sa isang biyahe na kayo lang, doon mo makikilala at mararamdaman ang tunay na siya. Doon mo masusukat ang lahat ng pasensiya at pagmamahal mo. Doon mo malalaman kung hanggang saan mo kayang ibigay o tiisin ang lahat. Pero sa paraang ito, dito mo rin maibibigay ng buong buo kung para ba sa kanya ang iyong puso.

PAGTANGGAP AT PAGSISISI

May mga bagay sa buhay natin na minsan agaran nating napagdedesisyunan ng di natin alam ang magiging dulo kaya madalas napagsisisihan natin ang maling desisyon. Hindi lahat tumatanggap ng pagkakamali, pero kapag narealized mo na, buong puso mong itatama upang kahit papano maging maluwag at katanggap-tanggap sa puso mo. Ang pagmamahal na nasira kailanman ay di nawawala, nagtatago lang pero lalabas at lalabas upang muling manariwa, at kapag nangyari ‘yon mas totoo at mas kapanipaniwala.

Ilan lang yan sa mga bagay na mare-realized mo sa movie na ito, oh ayan ha? wala akong kinuwento na eksena, kayo na bahalang manood.

Two thumbs-para kana “babe” Ben (Paolo Contis) and Jen (Alessandra de Rossi), galing mo direk, istorya mo na, ginalingan mo pa pag-direk! Para kayong Tala ni Sarah G. kasi tatlong taon din bago nagningning ang “Through Night and Day”.

Kaya sa mga di pa nakakapanood, nood na para kayo naman ang magsasabi kung maganda siya o napakaganda!

Kung napanood mo na, ano masasabi mo sa movie na to? send your comments na, ibigay ang inyong comment sa baba at ishare na sa iyong mga friends and babe!

– YdwardosExpressions

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s