Hindi talaga natatapos ang pagmamahal ni Mayor Isko Moreno ng Maynila na pagandahin, tulungan at ibangon ang ganda ng Maynila.
Matatandaan na nitong nakaraang July ay nasunog ang Sto. Nino Parish Church ng Pandacan. Kaya naman layuning ibalik ang dating ganda nito.
Ayun kay Mayor Isko, post sa kanyang Official Facebook account na Isko Moreno Domagoso, ang nalikom na Php 700,000.00 pesos na halaga ay talent fee mula sa kanyang pagmomodel sa Livergold.
Ayon pa sa Mayor ng Maynila, para sa minamahal nyang mga Taga-Pandacan, “..makakabangon po tayong lahat dito. Tiwala lang at pananalig sa Diyos.”
Hindi talaga matatawaran ang galing at dedikasyon ni Mayor Isko upang ibangon muli ang Maynila.
Ikaw mga ka-Expressions ano ang iyong masasabi dito?
-YdwardosExpressions.