VP Leni Program, Tuloy-Tuloy

Hindi pa rin matatawaran ang mga sumusuporta sa mga programa ng Pangalawang Pangulo Leni Robredo. Patunay na nakikita ang mga ginagawa ng Office of the Vice-President para sa bayan.

Marami ang mga sumusuportang Non-Government Organization and private companies sa kabila ng kakulangan sa budget. Marami ang nagpapa-abot ng donasyon matugunan lamang ang mga programa.

Isa na dito ang Diet Buddy PH na patuloy na sumusuporta kay VP Leni.

“…Sa kabila ng matinding pagsubok na dala ng COVID-19 crisis sa kanilang negosyo, isa ang Diet Buddy PH sa mga local businesses na piniling makiisa sa ating pagtulong sa pamamagitan ng pagkain. Isa ang Diet Buddy PH sa mga nagbibigay noon ng hot meals para sa mga magigiting nating kababayan na nagtatrabaho sa mga ospital at health centers, gayundin sa mga stranded na mga manggagawa, at mga komunidad. Umabot ng dalawang buwan ang kanilang pagsuporta sa ating inisiyatibo, na nagbunga ng 4,040 na masusustansiyang hot meals, na nagkakahalagang P363,600.

Pero ang mga food packs na ito, tulong hindi lamang sa ating mga kababayang nangangailangan, kundi sa mismong staff ng negosyo—patuloy ang kita ng kanilang kitchen staff, na siyang naghanda ng food packs na ito, at ng kanilang riders, na naghatid ng tulong na ito sa ating mga kababayan. Tunay nga na walang katulad ang pagkamaparaan at ang malasakit ng Pilipino, lalo na sa mga panahong gaya nito. Taos-puso ang ating pasasalamat sa Diet Buddy PH, na nagsilbing halimbawa nito, kasama na ng iba pa nating partners sa ating inisiyatibong ito!”

Ito ang mahabang pahayag ng ni VP Leni Robredo sa kanyang Official Facebook account.

Kuha sa VP Leni Robredo Official Facebook Account
Kuha sa VP Leni Robredo Official Facebook Account
Kuha sa VP Leni Robredo Official Facebook Account
Kuha sa VP Leni Robredo Official Facebook Account
Kuha sa VP Leni Robredo Official Facebook Account
Kuha sa VP Leni Robredo Official Facebook Account
Kuha sa VP Leni Robredo Official Facebook Account

Sa kabila ng napakaraming pambabatikos, sa dami ng masasakit na salita at panglalait at pagmumura, kakikitaan mo talaga ng pagka-professional at tanging trabaho lamang ang pinapakita ng pangalawang pangulo.

Tunay na ang mga maling pahayag at pagpuna ay may katumbas na totoong ginagawa, ang paggawa ng ini-atas na trabaho at ang tunay na serbisyo.

Isang pagsaludo sa Office of the Vice President at sa mga taong katuwang at patuloy na nagiging kaakibat at tumutulong sa kanila.

Mabuhay ang Pilipino para sa Pilipinas.

-YdwardosExpressions

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s