BUSY (VICE) PRESIDENTE NAMAN TALAGA!

Tigilan nyo na yan. Busy ang bise presidente namin.

Kahit ano pang putak ng mga bunganga ninyo, kahit pa ilang fake news ang pasabugin nyo. Kahit ano pang pilit nyo punahin ang pananalita nya, o ang pagkilos nya, o ang pagiging simple nya. Kahit paulit ulit kayo mambato ng issue na walang kakwenta kwenta. Wala kayong magagawa. Di kayo papansinin ni VP Leni.

Kasi, busy ang bise presidente namin.

Habang abala kayo sa paninira sa kanya, abala ang VP namin sa pagkukumpuni ng mga nasira. Habang busy kayo makipagtsismisan ng fake news, nakatutok ang VP namin sa mga katotohanan ng sitwasyon ng bansa. Habang naghuhurumintado kayo kaka-bigay ng kahulugan sa speech nya, patuloy ang mahinahon na pangunguna ng VP namin para matugunan yung pandemic. Hindi yan katulad ng tatay nyo. Hindi yan nawawala sa ere.

Palaging busy ang bise presidente namin.

Kaya chill lang kayo. Wag kayo masyado apektado. Nung una, kami lang mga sumusuporta sa kanya ang nakakapansin ng husay nya bilang leader. Pero ngayon, nasisiraan kayo ng ulo dahil napapansin nyo na din na Presidentiable ang VP namin. Yan kasi dapat ang nakikita sa pinuno. Simple. Trabaho lang ng trabaho para sa bayan. Di na kami magtataka kung matapos ang dalawang taon, iba na ang itawag namin sa kanya.

Busy Presidente na.

Credit to: Dyey Ep Crstbl

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s