PATULOY ANG ARANGKADA NI BUSY (VICE) PRESIDENT

Hindi matatawaran ang dedikasyon sa kabila ng mga pambabatikos, patuloy na naglilingkod at gumagawa sa paraang alam nya na makakatulong.

(Pahayag mula sa kanyang opisyal na Facebook account VP Leni Robredo)

Nakapagpaabot na rin tayo sa ating mga kababayang nangangailangan ng face masks, kasabay ng hot meals na handog ng ating Tanggapan at ng ating #AngatBuhay partners.

Nitong mga nakaraang araw ay umabot na sa 1,420 na face masks ang ating naipamigay, kasama ng mga pagkain at inumin na ating inihahatid sa mga komunidad at sektor na lubos na naapektuhan ng COVID-19 crisis.

Ang mga face masks na ito ay mula sa #MasKampante project ng Team Pilipinas, na naglalayong makapagbahagi ng 100,000 na reusable cloth masks sa ating mga kababayan na nangangailangan nito. Ang mga nasabing masks ay gawa ng iba’t ibang grupo ng mananahi, kabilang na ang mga asawa ng jeepney drivers sa Marikina, mga kababaihan sa Laguna na dating magkakasamang naglilingkod sa simbahan, mga mananahi sa Antipolo, Rizal at Bulacan na dating gumagawa ng school uniforms, at maging mga tatay at kababaihan sa Taytay, Rizal na nananahi na rin upang may maidagdag sa pantustos sa araw-araw.

Kabilang sa ating naabot ay ang mga frontliners, mga pasyente ng COVID-19, mga locally-stranded individuals, at sa mga kababayan nating walang tirahan sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Taos-puso tayong napasasalamat sa Team Pilipinas sa pagsisimula nila ng inisiyatibong ito, at sa kanilang pakikiisa sa adhikaing gawing mas ligtas at masuportahan ang ating mga kapwa Pilipino sa panahong ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s