PANAUHING PANDANGAL: SENIOR HIGH SCHOOL – UNANG PAGTATAPOS

Unang pagtatapos, ang araw na minsa’y pinagdaanan ko rin, pero ang di ko inaasahan ay maging bahagi nang pinakaunang taon nang pagtatapos nang mga Senior High School. Tama kayo, naging isang bahagi ako nang programang sila ang magpapasimula kung ano nga ba ang kahihinatnan nang kanilang bukas.

Isang karangalan na magbigay nang ilang mga salitang, sanay tumatak sa kanila. Pero ano nga ba ang mga pagkukulang pa sa ganitong pagbabago? Ang Senior High School Graduates?

Una, maaring oo at sapat na ang kaalaman nang ating mga guro sa kaalamang kanilang maaring ibahagi. subalit tanggap ba nang mga kabataan na tanggapin ang mga ito?

Pangalawa, saan? paano? at ano ang maaaring puntahan nang mga mag-aaral? May papasukan ba sila sa hinaharap? magtatrabaho na ba sila o ipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral? Para sa inyong lingkod, dapat na mag-aral pa, upang maihanda pa ang mga sarili sa mga susunod na pagbabago.

Pangatlo, nasaan ang kahandaan ng gobyerno? may sigurado ba silang trabaho na maibibigay?
Handa na ba ang mga kumpanyang tumanggap sa mga nagsipagtapos na bigyan na pagkakataong ipakita ang napagtapusan? Dahil sa totoo lang, mas marami pa rin, halos nga lahat pa, na tinitingnan kung ano ang natapos mo.

Maraming tanong pero patuloy na ginagampanan, opo! patuloy na ginagampanan nang mga guro na sila ang tunay na may kabahagi sa pagbabagong ito. Maaring madali sa iba, pero mas marami ang nag-aadjust upang makatupad lang sa kanilang mga tungkulin.

Nakakapagod magtanong, nakaka-pangamba ang magiging resulta pero alam natin na ang pagbabagong ito ay may magandang maidudulot sa hinaharap o darating pang bukas.

Isang pagpupugay sa mga gurong patuloy na ginagawa ang mgaa tungkulin at gmpanin sa bawat kabataan, mabigyan lang nang dekalidad na kaalaman.

Bilang pagpupugay, hayaan nyong ibahagi ko ang spoken words na ito, na bahagi nang aking talumpati sa nakaraang pagtatapos ng Senior High sa aking Alma Mater.

Handa sa Hamon nang Buhay(para sa k-12 graduates – part of my Guest Speaker Speech last April 3, 2018)
Mga Magulang!K-12 na programa kinagulat nang lahat, sa inyong mga kabataan sabi ay pahirapPahirap sa magulang lalo pa at salat, salat sa pinansiyal sa aral na pang tumbasNa kahit di gustuhin, kelangan gumanap, gumanap sa batas na pinatutupadMataguyod lamang pangarap sa anak, itong pag aaral ay mailalampas.
Mailampas lamang sa dalawang taon, taon na ang gabi’y araw na rin ngayonKatawa’y binanat, kataway pinagal, katawang puhunan sa’yong pag-aaralMaitaguyod lamang nang buong pagmamahalMaihatid ka lang nila sa inyong tagumpay.
Ang Eskwelahan!Hamon nga sa inyong buhay ang kelangang simulanNgunit Eskwelaha’y handa nga bang tunay, tunay na ang guro ang tinatamaanNa tanging layuni’y kayo ay handugan , handugan nang alam sa kinabukasanKinabukasang dito sa inyong paaralan, kayo ay hinanda, at sadyang sinanaysinanay sa apat na sulok nang kwartong paturuan, na tanging layunin ay inyong malamanMalaman ang lahat sa patutunguhan, na nagmula dito sa inyong Eskwelahan.

Nagsipagtapos! Di mo man aminin, di mo man masabi, di mo man masambit May nagawa ka rin na minsa’y makulit, sa iyong magulang , sa  guro’y nagalit Minsang mga mali iyo ring naisip, iyo ring pinilit kahit sa kanila ito ay masakitInunawa pa rin ang ‘yong mga galit, galit na minsang sa’yo ay lumupig.
Ito nga ay hamon sa inyong karakter, sa Hamon nang buhay ay maging handa rinHandang ituwid ka at muling isipin, silay kaakibat sa landas na ‘yong tatahakinKahirapa’y dala, at iyong pasanin , upang maging bala, maging gabay mo rinPangarap na gusto, tiyak mararating.
Nagsipagtapos sa inyo nga’y hamon, Hamon nang ‘yong bukas simula na ngayonAng inyong pagpili, ang inyong kahapon, ang tanging bala nyo sa dako pa roonSa dako pa roon na may nakaharang, ang takot , ang lungkot sa inyong paglisanTanging kaakibat inyong kaalaman, at ang pagmamahal ng inyong magulang.
Kaya nga’t payo ko, wag kayong susuko sa inyong pangarapSa inyong dahilan o anumang hirap, hirap na kala nyo ay wala nang bukasbukas na wala nang liwanag, Bukas kung saan naroon ang pangarap,Pangarap na kayo, Kayo ang tutupad.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s