COMMUNITY PANTRY NG REAL LIFE DARNA NA SI ANGEL LOCSIN; ISA ANG KUMPIRMADONG NASAWI

Isa sa di matatawarang pagkakilanlan sa katauhan ni Ms. Angel Locsin ay ang pagiging matulungin nito. Isa na nga dito ang inorganized na bagong community pantry para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Ayun sa kanya ay ito ay bahagi ng kanyang pagdiriwang na maglagay ng community pantry sa sa nasabing address sa Quezon City para makatulong. narito ang buong post niya sa kanyang Facebook account.

“Bilang pagpupugay sa bayanihan ng mga Pilipino at sa mga nagtayo ng mga community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa natin, I decided to celebrate my birthday tomorrow by putting up a community pantry here”
👉🏻

Titanium Commercial Building, 36 Holy Spirit Drive, corner Don Matias St., Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit, Quezon City

From 10am-4pm or until supplies last 🙂

“Anyone is welcome. But please make sure to follow protocols 🙂Salamat po!””

PS
Volunteers have been tested.

Kaugnay nito ay, naging viral ang mga larawan na wariy nagkakagulo ang mga tao dahil diumano sa pagkuha ng stub sa mga nagsidatingang mga tao.

Ayun sa aktres, ay alas siyete pa lang ng umaga ay mahaba na ang pila na dapat sana ay alas diyes pa sila magbubukas subalit minadali na ang pag unload ng mga sariwang gulay at nagbukas na sila ng ganap na alas otso ng umaga. Panoorin ang kanyang statement sa video na ito.

https://fb.watch/52egXof_n8/

Isa sa napag alamang nasawi na nag passed out habang nakapila sa line up ng community pantry ni Ms Angel Locsin ay si Mr. Rolando Dela Cruz, 67 taong gulang at senior citizen na dead on arrival sa hospital. Sasagutin naman ng Pamahalaan ng Quezon City sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte ang burial expense ng nasawi.

Agad namang nagpahayag nang pakikiramay at paghingi ng tawad si Ms. Angel sa nasawi. narito ang kanyang post sa kanyang social media account.

“Sa tingin ko, tama lang po na sa akin ninyo na marinig na totoo po ang balita na may inatake at namatay habang nasa pila ng community pantry. Senior citizen po sya na pumila daw po ng 3am at may naka-initan sa pila.

Bago po ang lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapagusap po kami ng personal ng mga anak nya sa ospital. At habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila.

Si tatay po ay isang masipag na ama na nagtitinda ng balut. Hindi ko man po sya nakilala pero sa pagkakakilala ko sa mga anak niya ay mabuti po syang ama at maayos nyang napalaki ang mga anak nya.

Sa ngayon po, tinatapos na lang po namin na mabigyan ang mga nakapila. Ang iba po sa kanila ay xerox na ang order sheet nila pero nauunawaan po namin na lahat po ay hirap ngayon at tama lang po na mabigyan sila.

Meron po kaming tinayong fast lane para sa seniors na tent na may upuan nung mapansin po namin na maraming senior citizens ang nakapila kaninang umaga.

Pero hindi naman po ibig sabihin na ini-encourage po namin ang mga seniors na lumabas at alam po natin na bawal po according sa iatf rules.

Pagkatapos po, idodonate na lang po namin ang mga natitirang goods sa ibang community pantries at barangay.

Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari.

Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibility to help them get through this.

I am very very sorry.”

Anong masasabi nyo mga ka-expressions sa magandang hangarin ni Ms Angel na naging buwis buhay dahil sa dami ng mga nagugutom na gustong makakuha ng pagkain na kahit sa isang araw man lang ay may maipangtawid gutom sila?

comment your thought! share nyo na rin.

– YdwardosExpressions

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s