JODI STA MARIA ISA NG DEGREE HOLDER

Ang pag aaral o ang pagtatapos ay isa sa di matatawarang tagumpay sa buhay ng isang tao lalo na at pinaghirapan mo ito.

Ito ngayon ang isang magandang regalo sa buhay ng isang aktres na si Jodi Sta Maria dahil sa kabila ng kanyang kaliwa’t kanan na trabaho ay nagawa pa niyang ma-isingit ang kanyang pag aaral.

larawan mula sa kanyang Instagram account.

Si Jodi Sta Maria ay nagtapos ng kursong Psychology sa Southville International School and Colleges na kung saan pumapasok siya tuwing Martes mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon. Ito rin ang dahilan kung bakit niya hiniling na gawing free ang schedule niya tuwing martes dahil sa kanyang pag aaral.

Sa pagtatapos ng kanyang kurso, bilang isang showbiz personality ay may kaugnayan din dito ang kanyang thesis na kung saan ay tatlong oras siyang nag defend nito. Dahil nasa industriya siya ng showbiz ay ginawa niyang thesis ang patungkol sa Anxiety level na may Titulong ” The Impact of NADA Protocol or EAR Acudetox in the Anxiety Level of People Working on TV Production.”

Ayon pa sa aktres ay sinikap niya na makapagtapos dahil sa kagustuhan ng lola niya na makapag aral siya. bukod dito ay ang kanyang anak ang kanyang naging inspirasyon para makapagtapos na ayon sa kanya ay dapat na makapagtapos din ito dapat ng kanyang pag-aaral.

Larawan mula sa Instagram account ng aktres

Dahil dito ay isang pagbati sa iyong pagtatapos Ms. Jodi ganun din sa iyong maligayang kaarawan.

Ang pag aaral ay wala sa edad gaya ni Ms. Jodi na nakapagtapos sa edad na 39.

Ano ang inyong komento nga ka-Expressions?

Comment lang ng inyong opinion.

  • YdwardosExpressions

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s