SINO BA ‘YONG TINATAWAG NILANG ABNOY?

Sino ulit yung Abnoy?

Paulit ulit. Akala mo mga nagrarally sa kalsada. Iisa lang banat. Iisa lang sinisigaw. Pinagkaiba lang, yung nagrarally, nasa kalsada. Etong mga mokong, sa social media. Abnoy daw. Short for abnormal.

Sino ulit yung tintawag nilang Abnoy?

Sino? Si President Noynoy Aquino? Seryoso?

Yung presidente na nagangat ng paningin sa sa Pilipinas pagdating sa ekonomiya? Tumaas ang antas natin sa Global Competitive Index, sa Economic Freedom Index, at sa Global Enabling Trade Index ng World Economic Forum. Sa kabuuan, gumanda ang andar ng negosyo, at naging mas kaakit akit ang Pilipinas sa investors.

Yun ba yung tinatawag nyong Abnoy?

Tumaas ang average ng GDP natin, sa 6.2, at napanatiling mababa ang inflation sa maraming taon ng termino nya. Ang unemployment rate na 5.8% na mababa kumpara sa ibang taon. Sa termino nya sinimulan ang 4Ps, kasabay ng pagkakaroon ng mahigit 170,000 dagdag na guro, at 95,429 dagdag na classrooms, para sa Edukasyon.

Pano nyo matatawag na Abnoy yan?

At higit sa lahat, para sa mga ulupong at hangal na pinipilit na si Pnoy ang nagpabaya sa West Philippine Sea – sya at ang administrasyon nya ang nagiisa at unang pumiyok at naghain ng kaso laban sa China sa UNCLOS. Sya lang at ang pamahalaan nya. Sila lang yung matapang, na hindi puro bunganga at jetski ang bukambibig para lang mauto kayo sa boto nyo.

Abnoy pa din tingin nyo sa kanya?

Uulit ulitin nyo yung Mamasapano? Na isang legitimate police operation naman?

Yung Dengvaxia? Na inengganyo nila magpabakuna ang mga tao, sa halip na takutin ikukulong tulad ngayon?

Yung Yolanda? Na sabi ng COA walang katiwaliang naganap?

At ipipilit pa din nyo yung samutsaring issue laban sa kanya, para lang maipaglaban nyo na binansagan nyo syang Abnoy?

Pero sino ba talaga ang Abnoy?

Eto bang presidente na ito na hanggang ngayon, hndi pa din nakasuhan ng katiwalian? Na hndi pa din napatunayang nagnakaw? Na umalis sa pwesto na nagiwan ng mas malaking pondo sa kaban ng bayan?

Tigilan nyo na ang sandamukal na kasinungalingan. At pagiimbento. Kahit anong kagaguhan nyo, di maikakaila na mas mataas ang tingin sa Pilipinas, at sa Pilipino, nung sya ang Pangulo.

Hindi tayo pinagtatawanan dahil meron tayong pinunong sinto sinto na nagmumura, nagbabanta, pero bahag ang buntot sa mga singkit.

Sino ba talaga ang Abnoy? Si Pnoy nga ba?

O yung mga trolls at sinasamba nyo na di man lang aabot sa kalingkingan ni Pnoy pagdating sa nagawa para sa bayan?

Rest in Peace, President Noy. Kahit ilang hangal at trolls pa ang manira sayo, saludo kami sa nagawa mo para sa bayan. Salamat po sa lahat.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1476239779386471&id=100010013883809

CREDIT: POST BY DYEY EP CRSTBL

-YdwardosExpressions

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s