ATE GAY, NARAMDAMAN ANG PUSO NI VICE GANDA SA PAGTULONG SA KANYA SA KABILA NG NANGYARI SA KANILA SA SHOWTIME

Matatandaan taong 2019 nang mag rant sa kanyang facebook account na Gil Aducal Morales ang pagkakatanggal sa kanya sa line up ng Tawag ng Tanghalan na ayon sa kanya ay walang sinabing ano mang dahilan ang management sa kanyang pagkaka-tanggal.

Pero ngayon ay muli nang nagbabalik ang isang Ate Gay mula sa kanyang pagkakasakit.

Matatandaan na nagkasakit si Ate Gay na kung saan ay kanya pa itong pinost sa kanyang tiktok account. Ayon sa comedian ang naranasan nya ay sakit na iilan lamang ang may sakit na meron siya na ayon sa kanya ay dalawa lamang sa sampu ang may sakit na toxic epidermal necrolysis (TEN).

Kaugnay nito ay nagpasalamat ang komedyante sa lahat ng mga tumulong sa kanya. Sa isang panayam sa kanya sa Ogie Diaz Vlog sa YouTube ay nagpasalamat siya sa mga tumulong sa kanya lalo na kay Vice Ganda.

“Nagpapasalamat ako dahil nakarating sa kanya na nasa ospital ako at walang kaabog-abog na tutulong daw siya.” Dito ay tinanong ni Ogie Diaz kung tumulong naman daw ba? at ito ang sagot ni Ate Gay.

“Tumulong naman siya at ayun, nagpapasalamat ako. Sa kabila ng mga nangyari sa akin sa Showtime, naramdaman ko yung puso niya, sa puso ng mga kaibigan mo sa showbiz.”

Kasama din sa mga tumulong ay sina Ogie Diaz at ang Beks Batallon.

Anong opinyon mo sa istoryang ito? Magkomento at magbahagi sa seksyong ito.

-YdwardosExpressions

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s