VP LENI ROBREDO: POST FAKE NEWS ALERT!

Ilang mapanirang mga social media posts ang lumutang kamakailan tungkol sa rollout ng #VaccineExpress sa San Pedro, Laguna nitong weekend.

Mariin na pinabubulaanan ng OVP na naging dahilan ang inisiyatibo para ma-cancel ang mga naunang schedule ng pagbabakuna. Naglabas na rin ng paglilinaw si San Pedro Councilor Bernadeth Olivares ukol dito: https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=6227879093919305&id=1122850331088899

Sa simula pa lang, layunin na ng Vaccine Express initiative na suportahan ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapabilis ng rollout ng COVID-19 vaccine sa kani-kanilang lugar. Sa ilalim ng programang ito, daan-daan nang doktor, nurses, medical students, at non-medical volunteers ang nakiisa sa hangaring ito. Nagdadala rin tayo ng karagdagang mga gamit at supplies para maisagawa ang maayos at mabilis na pag-administer ng bakuna—na inilalaan naman ng ating partner LGUs, na siya ring nagdedesisyon kung anong priority categories ang babakunahan.

Nakakalungkot isipin na sa gitna ng panahong naitatala ang record-high na bilang ng COVID-19 cases, may mga taong pinipili pang siraan ang mga inisyatibong tulad ng Vaccine Express, na ang tanging layunin lang ay makatulong para mabakunahan ang ating mga kababayan sa lalong madaling panahon. Kawalan rin ito ng respeto sa napakaraming volunteers at partners para sa mga vaccine drives gaya nito. Nakakadismaya na sa panahong dapat all hands on deck tayo, pinipilit pang itulak ang panglalait at pangmamaliit sa mga nais lamang tumulong.

Muli, pinaaalalahanan ang lahat na maging mapanuri at huwag basta maniwala sa nakikita at nababasa online. Mag-ingat po tayong lahat, hindi lang sa COVID-19, kundi pati na rin sa fake news.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s