VP LENI ROBREDO: Kung hindi natin aayusin trabaho natin, ilang buhay pa yung mawawala?

Staggering numbers today – 22,366 new cases!! With a positivity rate of 27.5% and 65,237 tests conducted, we can safely presume that the real number of new cases is so much more than these.

Kahit para na tayong sirang plaka, uulitin pa din natin – we are simply not testing enough!!! Gustong sabihin, ang daming gumagala na Covid positives na hindi nga nila alam na infected na pala sila. Pag hindi nila alam, lalong dadami lang ang mahahawaan pa nila.

Maraming dahilan kung bakit hindi tayo nakakapag test ng sapat. Isa dito, napakahina ng ating contact tracing kaya hindi nga natin alam kung sino pa dapat itest natin. Hindi natin ma identify index cases kaya hindi din natin mahinto yung transmission chains.

Noong nasa 14k-15k cases tayo, sobrang hirap na makakuha ng hospital vacancies. Ngayon na 22K, lalo na. Ang waitlist sa OHCC, ang haba na. Ang instructions, kung emergency na, dumirecho na sa ER ng pinakamalapit na ospital. Ang problema, pati ER ng mga ospital, napakahaba na ng linya. Noong isang gabi, yung isang pasyente namin, naikot yung mga ospital hanggang nag settle sa isa na pang 147 siya. Laban na kaysa wala. Kagabi, yung isang pasyente namin, ang 02 level, below 70 na. Sakay ng ambulansya, palipat lipat ng ospital, ayaw siyang tanggapin kahit distressed na kasi wala na din talaga capacity yung ospital. Kung saan saan at kung sinu sino na mga tinatawagan namin. Yung lola nitong pasyente, namatay noong isang linggo, pareho ang kuwento. Nawalan na ng pag asa yung pamilya. 8am this morning lang nakahanap ng ospital. Buti umabot. Pero ilan pa ba ang tulad nila?

Kung hindi natin aayusin trabaho natin, ilang buhay pa yung mawawala?

Anong masasabi nyo sa pahayag ng ating VP?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s