MAAGANG NAPIKON! NAGKAMALI SI YORME!

Ang agang nakonpi ni Yorme.

‘Di muna tuloy niya inaral ang binira niya.

College pa lang ako sa Ateneo de Naga, observer na ako ng mga Robredo, hindi sila traditional politicians.

Transformational leaders sila.

Magsasawa ka sa kabibira sa kanila, pero mabibigo kang makakuha ng inaasahan mong kontra-bira.

Kung banatan sila ng mga Villafuerte, parang wala nang bukas. Pero, sige lang, banat lang. Habang tuluy-tuloy lang ang paglilingkod ni Jesse. Umasenso ang Naga, habang patuloy namang kinilalang one of the poorest provinces ang Camarines Sur, hanggang ngayon, sa ilalim ng mga Villafuerte.

Sumikat worldwide ang brand of transformational leadership ni Pogi, sa katunayan pati mga estudyante sa Harvard, pinag-aralan ang pag-asenso ng siyudad. Ginawaran siya ng Magsaysay Award.

Ito’y habang naninirahan lamang silang mag-asawa at ang mga anak nila sa isang pinto ng apartment na pag-aari ng parents ni Jesse. ‘Di sila binago ng anumang hawak nilang kapangyarihan.

Karamihan sa malalapit sa mag-asawa, nagsasabing hindi naging legendary si Jesse kung iba ang napangasawa niya.

Kung kinilala lang muna sanang mabuti ni Isko si Leni, malalaman niyang para matalo mo ang babaeng ito — kailangang mas sincere, mas matino, mas mahusay, mas mapagpakumbaba, at mas simple ka kaysa sa kanya.

✍ by: Dindo M. Balares

2 comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s