KAKAMPINK: CAMPAIGN BULLETIN #2 – PINK

CAMPAIGN BULLETIN #2
203 DAYS BEFORE MAY 9, 2022

Sa aking mga kakampink, isang linggo na ang nakalipas noong sinagot ni VP Leni ang hamon sa pagka-Pangulo sa 2022. Sa loob ng isang linggong iyon, nakita natin kung paano nagkaroon ng malaking pinksplosion sa ating paligid. Mula sa mga Nanay na nagpakain ng meryenda sa kanilang kapitbahay, sa mga isinagawang motorcade at noise barrage sa iba’t ibang probinsya,
sa mga nagpatayo ng libreng billboard, sa mga nagpa-print ng tarp, sticker, mug, at t-shirt, at sa mga nagsuot ng kulay pink noong Miyerkules para sa ating #KakamPinkWednesdays. Ipinakita ninyo na talagang nakakahawa ang katapangan at pag-asa; na gising na ang natutulog nating lakas at handa na muli tayong tumaya para sa panibagong bukas.

Tulad ng paulit-ulit naming sinasabi, ang kampanya ni VP Leni ay isang people’s campaign – taumbayan ang lakas; taumbayan ang sentro, unahan, at dulo.

Kaya mahalagang tandaan na tayo ang repleksyon ng ating kandidato. Ang bawat kilos natin ay magiging repleksyon ng klase ng pamumuno at pagkatao ni VP Leni. Kaya ang panawagan natin ay isipin muna, “Paano kaya haharapin ni VP Leni ang sitwasyong ito? Ano kaya ang maaasahan nating sasabihin niya bilang gabay sa ating kampanya?

Tandaan mga kakampink ang mga sumusunod: P.I.N.K

  1. P para sa PAGMAMAHAL – Pagmamahal ang mangingibabaw sa ating kampanya. Iparamdam natin sa ating kapwa na iba man ang ating mga paniniwala sa maraming bagay, iisa pa rin ang nais natin sa ating pamilya at bayan. Ang pagmamahal natin sa ating kapwa, anuman ang kanilang kulay-pulitka, ang siyang magbubukod sa kampanyang ito. Oo, makikipagsapalaran tayo, pero ang armas hindi dahas, kundi pagmamahal sa kapwa at bayan.
  2. I para sa INSPIRASYON – Inspirasyon ang gusto nating ibigay sa ating mga kapwa Pilipino. Ibahagi natin ang mga kanya-kanya nating “istorya ng pag-asa” at kung paano tayo nabigyan ng inspirasyon ni VP Leni at ng kanyang mga programa. Tayong lahat may kakayanan na magbigay ng inspirasyon sa ating kapwa Pilipino. Tumingin lang sa paligid, sa mga medical and economic frontliners, mga magulang na tuloy ang kayod para sa mga anak, at mga anak na hirap na hirap sa estado ng edukasyon ngayon pero todo pa rin ang pag-aaral. Sila ang ating hikayating maging kakampink. Heto ang spirit ng ating kampanya na gusto pa nating maipalaganap sa ating bayan.
  3. N para sa NGITI – Ngiti ang gusto nating makita mula sa mukha ng ating mga volunteers at supporters. Ngiti rin ang gusto nating makita mula sa nais nating kumbinsihin sa ating laban. Iparamdam natin sa kanila na masaya, magaan, at masarap maging kakampink! Habang wala tayong makukumbinse sa page-epic rant natin o tuwing nanggagalaiti tayo sa galit, ang simpleng ngiti, pakikinig, at damayan ay maaaring mas makapagpabago ng puso ng mga nais nating kausapin.
  4. K para sa KATOTOHANAN – Katotohanan ang tanging hindi natin isusuko. Maraming dahilan para mainis, mapikon, o magalit sa mga nagpapakalat ng kasinungalingan, ngunit bukod sa pagtatama ng mga ito, kailangan nating maabot ang taun-taong nang nalulong sa kasinungalingan na nagkalat na sa ating lipunan. Mahirap ang mga conversation o usapan na ito. Hindi kumportable at marahil awkward pa. Pero walang makukumbinse kung nagmamarunong tayo o nagsisigawan. Heart to heart talk ang kailangan. At higit sa lahat, sa laban na ito, hindi tayo gagamit ng kasinungalingan, dahil hindi tayo yan. #LagotKaKayLeni

Ipinakita ninyo nitong mga nakaraang araw ang mga kaya nating gawin kapag tayo’y nagsama-sama. Ngayon, simulan nating ipakita na kaya nating gamitin ang puso bilang ating sandata sa laban. Dapat malaman ng mga kababayan nating kailangan maabot na tayo ay para kay VP Leni, hindi lang dahil naka-pink tayo, kundi dahil sa ating pagmamahal, pagmamalasakit at pakikitungo sa lahat.

Matagal nang nabalot sa kadiliman at karahasan ang ating lipunan, panahon na na ipakita na may ibang mas malakas, mas epektibo at mas kaaya-ayang paraan ng pamumuno. At iyon ang pamumuno, gamit ang totoong pagmamahalan at pagkalinga sa ating kapwa-Pilipino. #AlagangLeni

Salamat po! Lalaban tayo!

BAM AQUINO

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s