LENI LUGAW! ANO BA NAGAWA NIYAN? NAKU! MARAMI PO! PAG USAPAN NATIN! G?

LENI LUGAW! Laging dinudugtong ang pangalan ni VP Leni Robredo! Kesyo lugaw lang at wala nagawa, pero sa totoo lang, marami po talaga! ano ready ka ba pag usapan? G?

Simulan natin sa pagkain! Alam mo mga ka-expressions, sampung libong kabataan na malnourished ang nakinabaang sa sa kanyang feeding program na umabot ng Php 18.92 milyon. Alam ni Vp Leni ang pangangailangan ng mga kabataan dahil isa siyang ina na may malasakit sa mga kabataan.

Pangalawa, sa usaping medikal, humigit kumulang siyamnapung libong beneficiaries ang natulungan ng halos Php 1.23 bilyon na inilaan para sa medical assistance. Mahalaga kay VP Leni ang kapakanan ng mga frontliners kaya ganun na lang tumulong upang mabawasan man lang ang pagtutuunan ng mga ito. napakaraming nakinabang dito.

Idagdag natin ang mga effort niya sa Edukasyon. Siya mismo ang bumibisita at nagbubukas ng ipinatayong dormitories at classrooms, lalo na sa mga nasa malalayong lugar na kung saan ang kabataan ay mas maayos na nakikinabang at nakakapag aral. Kaugnay nito ang Php 4.49 milyon na pondong inilaan sa scholarships at technical trainings para matulungan ang mga kabataang makapagtrabaho agad.

ano, gusto mo pa ba ituloy? o sapat na sau ang ilan sa mga nagawa nya? kung hindi pa.. ito..

Dumako tayo sa agrikultura, Namahagi din ang tanggapan ni VP Leni ng mga bangka, fishing nets, fish cages, pataba sa lupa, at iba pang makakatulong sa kanilang pag aani at pagpalaot kaugnay na dito ang paglatag sa merkado upang mas tangkilikin ng mga mamimili. Ito ay sa kabila ng Php 13.5 milyon na napakaliit upang maayos na pamahalaan.

Ito pa ka-Expressions! Mahalaga din kay VP Leni ang kalusugan, sa tulong ng Angat Buhay partners, nakapagpatayo ng isang mental health facility sa San Remegio, Cebu.

Isama pa natin ang mga pagbibigay ng wheelchairs, nebulizers at BP apparatus para sa mga nangangailangan, tulad ng mga kabataang may cerebral palsy at mga senior citizens. Dami diba? ganito tahimik na nagtatrabaho ang ating VP Leni.

Simple lang magtrabaho si VP Leni! Sinisigurado nya ang seguridad ng bawat pamilya! Kabilang na dyan ang 72 pamilya sa Marawi na nabigyan ng pabahay matapos ang Marawi siege. Alam mo bang ang pondo dito ay dapat pambayad sa kaso na isinampa o ang protesta ni Diktador Jr…pero dahil di pumayag ang korte dahil donasyon, ipinagpagawa na lang ng mga bahay. Dahil sa maayos na pamamalakad, nadagdagan pa ng 300 na bahay para sa Cam Sur at Albay! Ito ay mga nawalan ng bahay sa mga nagdaang kalamidad.

Kung may kalamidad, to the rescue ang ating Busy Presidente! sa maliit na budget na na Php 45 milyon, mula sa mga ibat-ibang partners, nakapaghatid ng agarang ayuda at lingap. Napakaraming natulungang komunidad at libo libong pamilya. Alam nang lahat na pag may disaster walang tigil ang Busy Presidente na gumalaw at humanap ng agarang lingap at aksyon.

Higit sa lahat! layunin ni VP Leni na magkaroon ng pangkabuhayan ang mga nasa laylayan. Naglaan ng Php 9 milyon na livelihood projects sa mga sektor ng kababaihan, urban poor, at mga magsasaka. Hangad ni VP na matuto at magkaroon ng pagkakakitaan na tuloy tuloy upang umangat sa buhay ang mga nasa laylayan.

Ang dami diba! malulula ka sa dami ng kanyang ginagawa! kung ganyang ang lugaw! naku kelangan natin ng isa pang lugaw na gaya niya!

Ang epic pa don? lahat yan ay Audited! kaya nga 3 years consecutive highest audit rating eh!

Oh ano may nagawa ba? palagay mo?

-YdwardosExpressions

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s