PAANO KAMI INANGAT NG ANGAT-BUHAY NI VP LENI

Sa loob lamang ng apat taon ay dalawang malalakas na bagyo na ang nagpadapa sa aming paaralan (Bote Integrated School). Taong 2016 nang mag-iwan si Bagyong Nina ng sampung totally-damaged klasrum. Hardest-hit ang aming paaralan dahil sa laki ng pinsala.

Mas matindi ang sinapit namin (at ng ibang paaralan) kay Super Bagyong Rolly noong nakaraang taon. Sa higit 25 na klasrum, apat lang ang natira at maraming ICT equipment at kagamitan sa distance learning ang nabasa at nasira. Mas malala ang pinsala dahil nag-landfall ang mata ng bagyo sa area ng Bote.

Sa loob ng apat na taon na ‘yon ay maraming pagsubok ang hinarap naming mga guro at mag-aaral. At sa loob din ng apat na taon na ‘yon ay isa lang ang naging sigurado ako — hindi kami pinabayaan ng mga pribadong grupo at organisasyon sa aming rehabilitation efforts.

Isa ang Angat-Buhay Program ni VP Leni Robredo sa agad na nagresponde sa aming kahilingan na matulungan kaming makabangon. Dahil sa inisiyatibo ng Angat Buhay Program ng Office of the Vice-President, dalawang klasrum na kumpleto sa pasilidad ang nai-donate ng kanilang partners — PhilAm Foundation at LBC Foundation noong 2017.

Ngayong taon naman ay muli kaming binigyan ng dalawang klasrum ng parehong organisayon upang tulungan kaming makabangon mula sa pinsala ng pinakamalakas na bagyo na tumama sa Catanduanes. Kumpleto sa pasilidad at napapakinabangan na namin para ipagpatuloy ang distance learning.

Kung hindi dahil siguro sa sense of urgency at abilidad na makinig sa grassroots ni VP Leni ay mas nahirapan kaming makarekober. Hindi rin biro ang danas na sinapit namin maipagpatuloy lang ang pagtuturo sa kabila ng mga sira-sirang klasrum at kagamitan mula 2016 hanggang sa kasalukuyan. Sa mga oras na dapat sana ay mas ramdam namin ang tulong ng mga ahensya, ang Angat Buhay ni VP Leni at mga partners (LBC at PhilAm) nito ang nagbigay ng agarang solusyon.

At ginawa ito ni VP Leni sa kabila ng atake ng kanyang mga kritiko, sa kabila ng kakulangan niya sa resources at makinarya. Ginamitan niya ng husay at matinong pamamalakad. Walang political grandstanding, purong serbisyo para sa kanyang kababayan.

May nagsabing swerte lang daw kami dahil taga-Bicol kami tulad ni VP Leni. Hindi rin. Hindi lang naman kaming mga taga-Bicol ang nabigyan ng tulong ng Angat-Buhay kundi buong Pilipinas mula sa mga apektado ng kalamidad, pandemya, mga manggagawa, at mga Pilipinong patuloy na pinahihirapan ng kahirapan.

Hindi kami nakapagpasalamat nang personal kay VP Leni noong 2017 dahil hindi siya nakadalo sa Turnover Ceremony dala ng sungit ng panahon. Sa ngayon, muling pagpapasalamat sa birtwal na paraan muna.

Maraming salamat sa mga klasrum na naging pangalawang tahanan ng maraming mag-aaral at naging simbolo ng pag-asa pagkatapos ng kalamidad.

Bakit muli akong nagpapasalamat? Dahil isang taon na mula nang bayuhin kami ni Rolly at mag-a-anim na taon na rin kay Nina. Bakas pa rin ang mga pinsala ngunit unti-unti ang pagbangon.

At dahil sa kabila ng pagkalat ng mga paninira at maling impormasyon dito sa social media, mananatiling malakas ang boses ng mga Pilipinong nabigyan ni VP Leni ng tulong. Isa kami doon.

Ito ay tunay. Walang bayad, walang pagpipilit. May basehan. Naka-angkla sa galing, serbisyo, at puso ng namumuno. May mailalahad dahil may natulungan at napatunayan na.

Bakit siya ang aking gustong maging Pangulo? Ang nagawa niya para sa aming paaralan, mag-aaral at komunidad ay isa lamang sa marami pang dahilan.

#BangonBoteIS

#SalamatVPLeni

Ang akdang ito ay mula kay Jefferson Sebastian Arcilla

Mula sa post ng Leni Robredo for President page.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s